Server issues, naranasan sa unang araw ng SIM registration

0
279

Sinalubong ng mga isyu sa server ang mga subscriber na gustong magparehistro ng maaga ng kanilang mga SIM sa kabila ng pagtiyak ng mga telecommunications company na handa silang tanggapin ang pagdagsa ng mga magpaparehistro.

Ngayong araw ng Martes ang unang araw ng mandatory SIM registration.

Nagpakita ang Globe at SMART registration links ng “Bad gateway” prompt mula 6:30 a.m. Ngayong araw ng Martes ang unang araw ng mandatoryong SIM registration.

Sumagot ang Globe sa ilang netizens ng “try again later. ” 

“Our people are working on it as we speak and we hope to be able to get back on track with the registration anytime of the day,” ayon kay Manny Estrada, hepe ng regulatory development and strategy ng Globe Telecom Corporate Legal Services Group.

Sa ilalim ng mga implementing rules and regulations ng Republic Act 11934 na kilala rin bilang An Act Requiring the Registration of SIM Cards, ang mga mobile phone subscriber na may prepaid SIM card ay dapat magparehistro at mag-verify ng kanilang mga numero ng telepono sa kani-kanilang mga pampublikong telecommunications company 180 araw mula Disyembre 27, 2022 .

Pagkatapos ng panahon ng extension na 120 araw, ide-deactivate ang mga hindi naka rehistro na mga SIM card.

Para sa mga postpaid subscriber, ang kanilang data na isinumite sa mga service provider ay kakailanganin lamang na ma-verify.

Samantala, ang mga SIM card ng mga dayuhang bumibisita bilang mga turista ay may bisa lamang sa loob ng 30 araw. Ito ay maaaring pahabain sa pagsumite ng isang aprubadong visa extension.

Upang magparehistro, dapat bisitahin ng mga subscriber ang portal ng mga telecom firm.

Para sa mga existing DITO Subscribers, register through https://dito.ph/RegisterDITO

Para sa Smart prepaid, TNT at Smart Bro users, magrehistro sa https://smart.com.ph/simreg

Para sa Globe Mobile, TM at Home Prepaid WiFi users, magrehistro sa https://new.globe.com.ph/simreg

Ang buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasarian, at address ng end-user na makikita sa isang valid na dokumento ng pagkakakilanlan na ibinigay ng pamahalaan na may larawan tulad ng pasaporte, national ID, GSIS e-Card, digitized SSS ID, driver’s license, voter’s ID at senior citizen’s card bukod sa iba pa, ay kailangan sa panahon ng pagpaparehistro.

Ang bagong batas ay isang unang hakbang upang sugpuin ang mga text scammer habang ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga pangunahing karapatang pantao.

Sinabi ng mga awtoridad na ang anumang impormasyong nakuha sa pagpaparehistro ng SIM ay ituturing na may absolute confidentiality maliban sa pagsunod sa anumang batas o utos ng hukuman na nagpapahintulot sa pagsisiwalat ng personal na impormasyon kapag nahanap ang probable cause.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.