Trigger happy, kinuyog ng mga kapitbahay sa Cavite

0
176

Imus City, Cavite. Dinisarmahan ng mga residente sa lungsod na ito ang isang lalaki na nagpaputok ng baril noong Pasko.

Kinuyog ng kanyang mga kapitbahay si Ramie D. Dimayuga matapos magpaputok sa gitna ng pagdiriwang ng Pasko sa kanilang lugar.

Kinilala ang mga kapitbahay na dumakip at sumamsam ng Glock 40 ng suspek na sina Rey Ortega, 41 anyos; Alfie Abila, 37 anyos, at Fermin Gonzales, 43 anyos.

Ayon sa ulat ng Imus City Police Station (CPS), nagkaroon ng pamaskong kasiyahan ang mga magkakapitbahay bandang ala una na ng madaling araw sa may Albania St., Palazzo Bello Subd., Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City, Cavite. Ngunit narinig ng mga ito ang sunod sunod na putok ng baril mula sa kinaroroonan ng grupo ni Dumayuga at gustong makisali sa grupong kumuyog sa kanya.

Ayon pa rin sa ulat ng Imus CPS, dumating ang suspek sa umpukan nina Ortega at muling inilabas nito ang baril at ilang beses na nagpapaputok.

Sa aktong ito ay nagtulong tulong ang mga biktima na kunin ang baril ng suspek at tumawag sila ng guwardiya na tumawag naman ng pulis.

Nakatakas ang suspek at kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya upang humarap sa kasong illegal possession ng baril.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.