Barangay kagawad sa Laguna, arestado sa drug buy-bust ops

0
209

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang isang barangay kagawa sa ilalim ng buy-bust operation na ikinasa ng Lumban Municipal Police Station (MPS) kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Jun, residente at nakaupong barangay kagawad sa Lumban Laguna.|

Ayon sa ulat ni Police Major Ruffy L. Taduyo, hepe ng Lumban MPS, naaresto ang opisyal ng barangay sa Rizal St. Brgy. Maracta, Lumban, Laguna matapos magbenta ng ilegal na droga sa mga awtoridad na nagpanggap bilang police poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang apatna pirasong plastic sachet nag naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lumban MPS ang suspek at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

“Hindi po titigil ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra droga laban sa mga gumagamit o nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, maging ito man ay naglilingkod sa ating lalawigan,” ayon kay SIlvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.