Maulan ang Biyernes dahil sa LPA, ‘amihan’

0
398

Patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang bansa dahil sa low-pressure area (LPA) at ng northeast monsoon o “amihan,” ayon  sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa bulletin kaninang alas-5 ng umaga, sinabi PAGASA na huling namataan ang LPA sa 140 km. silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, at nananatiling maliit ang posibilidad na ito ay maging isang tropical cyclone.

Mga pag-ulan dulot ng northeast monsoon ang mararanasan sa Metro Manila, Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng Calabarzon, at Aurora.

Gayunpaman, magdudulot ito ng kalat-kalat hanggang sa malawak na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Eastern at Central Visayas, at sa mga lalawigan ng Negros Occidental, Albay, Masbate, Sorsogon, at Catanduanes.

Kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA ang iiral din sa Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Mimaropa, nalalabing bahagi ng Western Visayas, nalalabing bahagi ng Bicol Region, at Quezon province.

Ang buong bansa ay patuloy na makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na hangin at katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo