Php 1M shabu nakumpiska; 2 drug pusher arestado

0
166

Biñan City, Laguna. Arestado ang isang high value individual at ang kanyang kasabwat sa isang drug buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Biñan City Police Station (CPS) kahapon.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawampu’t-anim na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 165 gramo at may tinatayang nagkakahalaga ng Php 1,072,500.00.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sila alyas Beverly (HVI) at Junjun, pawang mga residente ng Biñan City Laguna.

Ayon sa ulat ni Plt Col. Virgilio M. Jopia, hepe ng Biñan CPS, nagkasa ng isang  anti-illegal drug buy bust operation ang kanilang Station Drug Enforcement Unite (SDEU)  sa  Brgy. Malaban, Biñan City, Laguna na nagresulta sa agarang pagkaaresto ng mga nabanggit na suspek matapos bumili ng droga sa kanila ang mga awtoridad na nagpanggap bilang poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS ang mga arestadong suspek habang ang mga nasamsam na ebidensya ay ipapadala sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

NAkatakdang humarap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

“Sa pagkahuli ng mga suspek na ito, gusto ko ipaabot sa mga kababayan natin na walang puwang dito sa buong lalawigan ng Laguna ang mga drug pusher na katulad nito. Makakaasa po kayo na hindi namin ititigil ang aming mga operasyon kontra ilegal na droga at maging sa mga iba pang ilegal na gawain upang matiyak natin ang kaayusan, katahimikan  at siguridad ng ating mga mamamayan,” ayon kay Silvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.