MPTC, puspusang naghahanda sa inaasahang pagtindi ng trapiko sa Undas

0
253

Libreng towing service mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 para sa mga Class 1 vehicle. Tumawag lamang sa telepono bilang 1-35000

Biñan City. “We remain committed to provide our motorists with ease of travel, ensure their safety, and assist them immediately this season as we also continue to observe COVID-19 protocols for the protection of our customers and employees,” ayon kay  Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) President and CEO Rodrigo E. Franco. 

Ang mga team ng MPTC ay nagsimulang maghanda ng may malakas na customer service at safety protocols habang inaasahan ang 11% na dagdag na motorista na uuwi sa kani kanilang lalawigan ngayong Undas.

Matapos paluwagin ang travel restrictions, sinimulan ng MPTC “Safe Trip Mo Sagot Ko” (SMSK) sa kahabaan ng  NLEX, SCTEX, CAVITEX, C5 LINK, and CALAX from October 29 to November 2, 2021. Ito ay naglalayong magtaguyod ng maayos at ligtas na biyahe sa panahon  ng Undas.

Mahigit na 1,200 patrol crews, traffic marshalls, security team at lane personnel ang itatalaga upang magbigay ng mabilis na tulong sa mga motorista.  Magtatalaga din ng emergency medical team at incident response team sa mga kritikal na lugar sa mga expressway.

Lahat ng service center sa mga expressway ay bukas sa loob ng 24 oras. Ang mga ambulant tellers ay nakahandang tumulong sa mga motorista sa cash lanes samantalang ang mga toll personnel ay tutulong sa mga pipila sa RFID lanes, ayon sa report.

Upang mapabilis ang biyahe, ipinapayo ng MPTC sa mga motorista na gamitin ang RFID lanes at tiyakin na ang kanilang account ay may sapat na balanse.

Upang makita ang kumpletong listahan ng mga installation sites at mga opsyon sa pagkakarga ng deposito, pumunta sa:

 www.easytrip.ph 

Sa ika 12 taon ng MPTC, ang SMSK ay inilunsad bilang isang motorist assistance program na may layuning pagandahin ang serbisyo tungo sa ligtas at komportableng byahe sa mga expressway network.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.