DOH: Covid-19 wala na sa ‘top cause of death’ sa PH

0
176

Wala na sa top ten ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa listahan ng nangungunang 10 dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas.

“This is good news to us. In 2021, talagang nakita natin ang Covid-19 deaths ay naging number three cause of death dito sa ating bansa,” ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum kanina sa Pasay City.

Ipinalabas ni Vergeire ang pahayag kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority na ang pagkamatay dahil sa Covid-19 ay nasa ika-11 na sa buong bansa mula noong Oktubre 2022.

“That signifies na kakaunti na lang ang namamatay dahil sa Covid dito sa ating bansa (that people dying from Covid-19 are fewer nationwide) and we are able to prevent already further deaths because of disease,” ayon sa kanya.

Sa ngayon, ang bansa ay nakapagtala ng mahigit na 4.07 milyong mga kaso ng coronavirus at mahigit na 65,716 ang namatay.

“Bumalik na dun sa dati nating trends kung saan, yung atake sa puso, ‘yung schemic heart disease pa rin ang nauuna, pumapangalawa po ‘yung stroke na tinatawag, ‘yung cerebrovascular diseases, pangatlo po ang mga cancer, pang-apat po ang diabetes at panglima, ang hypertensive diseases,” dagdag niya.

Ayon sa ulat ng PSA, ang iba pang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa ay pneumonia, iba pang heart-related diseases, chronic lower respiratory disease, genitourinary system diseases, at respiratory tuberculosis.

Sa kasalukuyan, isinusulong ng DOH ang mga programa sa healthy behaviors and lifestyle upang matulungan ang publiko na maiwasan ang mga maiiwasang sakit tulad ng mga ito na maaaring magdulot ng kamatayan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.