Rollaway accident: 1 estudyante patay, 4 sugatan

0
230

Cavite City. Patay agad ang isang Biology student matapos maipit ng truck na dumausdos pababa habang naka park sa loob ng campus ng Cavite State University noong  Lunes ng umaga.

Kinilala ng Indang police station ang biktima na si Elaisa Tesoro,18 anyos samantalang sugatan naman ang apat nitong kaklase na sina Fiona Gatchalian; Gabriel Angelo Magno; Denise Chloe Ricohermoso at Pauline Diga.

Ayon sa pahayag ni Maj Edward Cantano, chief of police ng Indang Municipal Police Station, nag deliver ng mineral water ang Elf Canter truck na minamaneho ng isang alias “ John” ng iparada nito sa gilid ng kalsada ang sasakyan kung saan sa gawing ibaba nito ay nagre-review ng kanilang lesson ang limang biktima.

Ayon sa mga estudyanteng nakasaksi sa insidente, bigla umanong dumausdos ng mabilis ang truck at tinumbok nito ang isang puno kung saan nakakabit ang isang bangko na kinauupuan ng mga estudyante.

Sinabi pa ni Cantano na walang handbrake ang truck at hindi umano nilagyan ng driver ng kalso ang mga gulong kaya madali itong sumadsad pababa sa direksyon ng mga biktima.

Nakakulong na ang driver sa Indang custodial cell at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuries.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.