Maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Luzon dahil sa ‘amihan’

0
421

Magkakaroon ng maulap na papawirin at ilang mga pag-ulan ngayong Sabado ang kalakhan ng Luzon ay dahil sa northeast monsoon o “amihan’.

Sa 4 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)ang Cagayan Valley, ang rehiyon ng Cordillera, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan, dahil din sa “ Amihan.”

Inaasahan din ng bureau ang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Rehiyon ng Bicol, Northern Samar, at Palawan dahil sa shear line.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa “amihan.”

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog na dala ng mga localized thunderstorms.

Ang hangin sa Luzon at Visayas ay magiging katamtaman hanggang sa malakas at tutungo sa hilagang-silangan, na magreresulta sa katamtaman hanggang sa maalon na karagatan.

Ang Mindanao ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang hangin patungo sa hilagang-silangan hanggang hilaga, na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

Ang temperatura sa Metro Manila ay mula 23C hanggang 29°C; Lungsod ng Laoag, 20°C hanggang 28°C; Lungsod ng Lipa, 23°C hanggang 28°C; Metro Cebu, 24°C hanggang 28°C; Cagayan de Oro City, 24°C hanggang 30°C; at Metro Davao, 24°C hanggang 32°C.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.