18,617 Filipino nurses ang nagbalak magtrabaho sa US noong 2022

0
222

Pinakamataas ang bilang ng mga Philippine-educated nurse na kumuha ng US licensure exam sa unang pagkakataon noong 2022 sa loob ng 14 na taon

May kabuuang 18,617 nursing graduates mula sa Pilipinas ang kumuha ng US licensure examination sa unang pagkakataon noong 2022, sa pag-asang makapagpraktis ng kanilang propesyon sa Amerika, ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, vice chairperson ng House committee on higher and technical education, sa isang balita noong Linggo.

“In 2022, we had the highest number of Philippine-educated nurses taking the NCLEX in 14 years, in terms of first-time takers,” ayon kay Rillo at binanggit ang data ng US National Council of State Boards of Nursing Inc. (USNCSBN).

Pinangangasiwaan ng USNCSBN ang National Council Licensure Examination, o ang NCLEX, para sa mga rehistradong nars sa America.

Ang 18,617 ay kumakatawan sa isang surge na 90 percent kumpara sa 9,788 Filipino nursing graduates na kumuha ng NCLEX sa unang pagkakataon noong 2021, hindi kasama sa bilang ang mga repeater, ayon kay Rillo.

“The number of Philippine nursing graduates taking the NCLEX for the first time is a reliable indicator as to how many of them are eagerly looking for employment in America,” ayon pa rin kay  Rillo.

Muling nanawagan si Rillo sa Kongreso na mag-invest ng mas maraming compensation funding upang mapanatili ang mga Filipino nurse sa mga pampublikong ospital at upang pigilan ang ilan sa kanila na umalis ng bansa.

Si Rillo ay naninindigan para sa pagpasa ng House Bill No. 5276, na naglalayong palakasin ng 75 percent – mula PHP36,619 hanggang PHP63,997 – ang pinakamababang base ng mga nars na nagtatrabaho sa gobyerno.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Rillo, ang minimum na base pay ng mga nars sa mga pampublikong health institutions ay itataas ng anim na yugto sa Salary Grade 21 na itinakda sa ilalim ng Salary Standardization Law ng 2019.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.