Karamihan sa mga high-ranking Philippine National Police (PNP) na itinuturong sangkot sa illegal drug trade ay nakapagpasa na ng kani-kanilang courtesy resignations.
Ito ang ibinahagi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kanina, Enero 30 kasabay ng press briefing sa Camp Crame.
Ayon kay Azurin, marami sa mga nagpasa ng courtesy resignations ay “retirables.”
Matatandaan na naunang sinabi ng pulisya na 10 ranking PNP officials ang sangkot sa illegal drug trade.
Nang tanungin naman kung ang may sangkot pang hindi nakakapagpasa ng kanilang courtesy resignation, tugon niya:
I really don’t know kung meron. I think karamihan nag-submit din.”
“So I have to check kasi ‘yung counting namin doon, 11 is majority doon, retirable,” dagdag pa niya.
“I see it more of a success because sabi ko nga, even ‘yung mga supposedly tinitignan natin na under investigation, they allowed themselves na mag-submit sila ng courtesy resignations,” dagdag pa ni Azurin.
Kamakailan ay nanawagan si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa lahat ng senior PNP officials na magpasa ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na kalusin ang mga opisyal na sangkot sa illegal na droga.
Sa pinakahuling ulat, nasa 941 generals at full colonels na ang nagpasa ng kanilang courtesy resignation.
Susuriin naman ng five-man committee, kabilang si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang mga nagpasa ng resignation.
Susuriin din ng National Police Commission ang pangalan ng mga opisyal ng pulisya na tinanggap ang isinumiteng resignation.
Binigyan lamang ng palugit na hanggang Enero 31 angg mga hindi pa nakapagpapasa ng kanilang courtesy resignation.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.