3 pulis, isa pa arestado sa P1.4M shabu

0
328

Calamba City, Laguna. Arestado ang apat na suspek kabilang ang tatlong pulis sa isinagawang drug buy bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Dasmarinas City.

Kinilala ang mga inarestong suspek na si PS Sgt Tomas Celleza Dela Rea Jr., PCpl Christian Arjul Dayrit Monteverde, kapwa nakadestino sa Dasmarinas City Police Station (CPS); Pat Jeru Magsalin, nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng nabanggit dingistasyon at Jorilyn Magnaye Ambrad.

Ayon sa report ng Dasmarinas CPS, bandang 11:15 AM ng madakip ang mga suspek sa Brgy. Salitran 2, ng nabanggit na lungsod.

Nakuha kay Dela Rea ang isang kalibre 9mm na pistol Glock 17, isang Glock Inserted Magazine na may 12 na bala, apat na unit ng Android phones, Navy blue na wallet na naglalaman ng PNP ID sa pangalan ni Dela Rea, isang kulay itim na Tumi Body Bag, isang itim na coin purse, isang card holder ng ATM at iba pang IDs at cash na P1,540.00

Narekober naman kay Monteverde ang tatlong gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P24,000.00; apat na unit ng Cellular Phones; isang itim na wallet na naglalaman ng PNP ID sa pangalan ni Monteverde; isang kalibre 45 na baril; apat na piraso ng magazine ng kalibre 45; 36 na bala ng kalibre 45; isang itim na Body Bag; isang itim na coin purse at cash na P2,000.00 habang kay Ambrad ay narekober ang tinatayang 205 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,394,000.00; dalawa pang gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P13, 600; isang kulay blue na Sling Bag; 4. Isang Checkered Pouch; dalawang cellular phones; at boodle money.

Tinatayang 210 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa mga suspek na may street value na P1,431,600.

Sinabi ni Olazo na tinangka pang tumakas ni Set sakay ng sports utility vehicle ngunit nahuli rin kalaunan sa ginawang hot pursuit operation sa Brgy. Sta. Cruz ng naturang lungsod.

Tinutunton na ng pulisya ang pinagkukunan ng iligal na droga ng tatlong pulis na itinuturing na “HVI” o mga high-value na indibidwal sa nabanggit na lungsod.

Isasailalim naman sa drug test ang mga nakakulong na suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 for possessing and selling dangerous drugs.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.