Santa Cruz, Laguna. Nakikiisa sa Local Government Unit (LGU) ang Laguna Provincial Office ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Negosyo Center-Santa Cruz sa isang oryentasyon tungkol sa pabubuo ng lokal na Philippine Chamber of Commerce and Industry ( PCCI) noong Pebrero 7, 2023, sa Asia Blooms Hotel, Brgy. Patimbao, sa bayang ito.
Sa ginanap na meeting-orientation, sinimulan at inilarawan ni LGU Committee Chair for Trade at Municipal Councilor Norman “Trophy” Tolentino ang nabanggit na hakbang ay simula ng isang economic venture para sa Santa Cruz upang maging isang business capital. Sinabi ni Tolentino na ang paglikha ng Santa Cruz Chamber of Commerce and Industry ay maaaring maging isang paraan sa paglinang at pagtulong sa mga negosyo tungo sa mas mahusay na pagganap ng lokal na ekonomiya.
Sa likas na katangian, ang PCCI ay may pananagutan na suportahan at makisali sa paglago ng negosyo at panataliin ang pag-unlad sa pamamagitan ng mabilis na serbisyo ng negosyo para sa pagsulong ng grassroots entrepreneurship, chamber development, international trade relations, business innovation and excellence, at operating efficiency.
Ipinaliwanag ni PCCI CALABARZON Regional Governor Romeo Race ang mga kalakip na benepisyo ng pagiging miyembro ng Kamara tulad ng mabilis na pag-access sa mga programa at serbisyo ng DTI, kabilang ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:
- access sa Shared Service Facilities o mga makinarya at kagamitan sa negosyo nang libre o may kaunting gastos sa paggamit
- probisyon ng Small and Medium Enterprise Roving Academy o mga pagsasanay sa entrepreneurial para sa mga potensyal at kasalukuyang negosyante
- access sa mas malawak na merkado sa pamamagitan ng pagpapahusay ng produkto at pagbuo ng produkto kabilang ang pag-label, packaging, at trade fairs; at
- kaugnayan sa tulong pinansyal na pautang.
Tiniyak din ni Race na may mga pagkakataon ang mga miyembro ng Kamara na makinig sa mga lider ng negosyo at pulitika sa pamamagitan ng mga business conference sa South Luzon at mga first-hand update sa mga negosyo sa pamamagitan ng mga electronic platform.
Bilang karagdagan, tinalakay ni PCCI San Pablo City Chapter Past President Rolly Inciong ang step-by-step process sa paglikha ng PCCI LGU Chapter, simula sa pag-oorganisa ng isang komite na may mga aktibong miyembro.
Sinundan ng Santa Cruz ang Pagsanjan at Los Baños na kamakailan ay bumuo na ng kani-kanilang lokal na Kamara.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.