2 Pilipino, kumpirmadong patay sa lindol sa Turkey

0
241

Dalawang Pilipino ang nasawi sa lindol sa Turkey at Syria na ikinamatay ng libu-libo, ayon sa Philippine Embassy sa Turkey.

Ayon sa ulat mula sa embahada ng Pilipinas sa Ankara, dalawa ang nasawi na kabilang sa tatlong Pinoy na nawawala kasunod ng 7.8 magnitude na lindol.

Ang iba pang Pinoy na naiulat na nawawala ay natagpuang buhay, ayon sa embahada.

Ang killer earthquake na yumanig sa Turkey at Syria noong Lunes ay nagsanhi ng mahigit 21,000 patay at daan-daang libo ang nawalan ng tirahan.

Hindi bababa sa 248 na Pilipino sa Turkey ang naapektuhan ng ng na lindol.

”It is with deep regret that we learn of the passing of two Filipinos in the recent 7.8-magnitude earthquake that devastated Türkiye,” ayon sa Twitter post ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Biyernes.

Relief team

Noong Martes, sinabi ni Pangulong Marcos Jr na maglalagay ang Pilipinas ng 85-kataong team upang tulungan ang mga biktima ng lindol sa Turkey at Syria.

Ang contingent, na binubuo ng Philippine military personnel, engineers, at health workers, ay dumating na sa lugar at sinimulan noong Biyernes ang kanilang misyon na magsagawa ng search, rescue, relief at iba pang tulong sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.