Control sa paggamit ng drone, itinulak sa Senado

0
371

Itinulak sa Senado na magkaroon ng regulasyon sa paggamit ng Remotely Piloted Aircraft System, o kilala sa tawag na drone, upang hindi ito magamit sa mga illegal na gawain.

Inihain ni Senador Raffy Tulfo ang Senate Bill 1777 o ang Drone Regularization Act dahil ang nabanggit na robotic device ay maaaring maging space hazard at kung mali ang pagpapatakbo, maaaring magdulot ng malubhang panganib.

“These robots are unmanned aerial vehicles which are especially advantageous in reaching isolated areas and modern drones are remarkably easy to fly with the advances brought about by technology,” read the bill’s explanatory note. “However, drones can also be dangerous. Since it is now widely used for recreational purposes, it raises regulatory concerns.”

Sa ilalim ng panukalang batas, ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay awtorisado na i-classify ang mga drone sa mga uri para sa layunin ng regulasyon kung ito ay para sa mga pribadong tao, komersyal na paggamit, propesyon para sa hanapbuhay at paggamit ng mga hobbyist.

Kinakailangan silang magparehistro sa kada taon sa CAAP at mag-apply para sa permit to operate.

Ang mga aplikante ay kinakailangang sumailalim sa mga pagsasanay at kumuha ng drone insurance.

Ang mga kasalukuyang tuntunin ay nagsasaad na kung magpapalipad ng drone na tumitimbang ng higit sa 7 kilo (15 pounds), kinakailangan ng CAAP certificate; pinapayagan lamang ang mga drone sa oras na may liwanag ng araw, sa magandang panahon at sa loob ng visual line ng operator; at ipinagbabawal sa mga lugar na makapal ang populasyon, gaya ng mga paaralan o pamilihan.

Sa ilalim ng panukala ni Tulfo, ang mga hindi rehistradong drone ay kukumpiskahin habang nagpapatakbo ng drone para sa komersyal na layunin ng walang permit at magreresulta sa pagkumpiska at multang hindi bababa sa PHP50,000 ngunit hindi hihigit sa PHP100,000.

Anumang paglabag sa pangkalahatang mga regulasyon sa kaligtasan at mga paghihigpit sa paggamit ng drone ay magreresulta sa multa sa pagitan ng PHP100,000 at PHP500,000.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo