Patay sa Turkey-Syria quake, umabot na sa 24K

0
126

Turkey. Pumalo na sa humigit kumulang na 24,000 o 23,700 ang kumpirmadong nasawi sa mapaminsalang lindol na tumama sa southern Turkey at northwest Syria.

Kasabay nito ay libo-libong mga residente ang nawalan ng tirahan at walang makakain dahil sa mga gumuhong tirahan at nasirang mga kalsada.

Samantala, patuloy ang search and rescue operations hanggang gabi kahit maginaw.

Ang mga survivors ay sumigaw ng tulong mula sa ilalim ng mga ga-bundok ng mga debris habang ang mga first responders ay nakikipaglaban sa ulan at yelo. Ang aktibidad ng seismic ay patuloy na nadarama sa rehiyon, kabilang ang isa pang pagyanig na halos kasing lakas ng unang lindol. Maingat na inalis ng mga manggagawa ang mga slab ng semento at inabot ang mga bangkay habang ang mga desperadong pamilya ay naghihintay ng balita tungkol sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay bumisita si Syrian President Bashar al-Assad sa mga apektadong lugar, partikular na sa isang ospital sa Aleppo.

Ang magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa dalawang bansa noong Lunes, Pebrero 6 ay itinuturing na ikapitong most deadly natural disaster ng siglo.

Samantala, binisita naman ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang Adiyaman province, kung saan inihayag nito nabatid  niyang hindi kasing bilis ng inaasahan ang naging tugon ng pamahalaan.

“Although we have the largest search and rescue team in the world right now, it is a reality that search efforts are not as fast as we wanted them to be,” ayon sa kanya.

Sinabi rin niya na nagkakaroon na ng nakawan sa ilang mga pamilihan sa apektadong lugar.

Samantala, sa nasabing kabuuang bilang na 23,700 mga nasawi, 20,213 sa mga ito ang mula sa Turkey habang mahigit 3,500 naman ang mula sa Syria.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.