PBBM: Charter change not a priority

0
165

Hindi isinasaalang alang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggawa ng mga pagbabago sa 1987 Constitution bilang isa sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon, ayon sa pangulo sa panayam ng media matapos ang kanyang five-day official trip sa Japan.

“It’s not a priority for me because maraming ibang kailangang gawin (there’s still so much to do)…There are so many other things that we need to do first that we can achieve kung makukuha naman natin ‘yung gusto but within the way the constitution is written,” ayon sa kanya.

Pagdinig sa Cha-cha itutuloy pa rin kahit ‘di prayoridad ni PBBM

Gayon pa man, itutuloy pa rin ng House constitutional amendments panel ang mga pagdinig na may kinalaman sa pending na panukalang naglalayon na magkaroon ng Charter change sa kabila ng naunang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi ito prayoridad ng kanyang administrasyon.

“We respect the opinion of President Ferdinand Marcos Jr. on constitutional amendment measures. We will of course consider it. But as an independent branch of government, the House of Representatives and Congress will proceed with its public dialogues on this issue,” sinabi ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, committee chairperson.

“The House committee on constitutional amendments will continue holding public hearings and consultations on Charter or constitutional change (Cha-cha) proposals,” dagdag niya.

Nakapagsagawa na ng nasa apat na pagdinig ang panel ni Rodriguez patungkol sa Charter change proposals, katulad ng mga hakbang na magpapadali sa foreign ownership ng mga kompanya at term extension ng public officials.

Ang unang dalawang public hearing ay isinagawa sa Batasang Pambansa, habang ang ikatlong pagdinig ay isinagawa sa Cagayan de Oro noong nakaraang linggo.

Nagpapatuloy naman ang Charter change hearing ng panel ni Rodriguez sa Iloilo ngayong Lunes, Pebrero 13.

“We laud and commend President Marcos Jr. for trying to entice foreign businessmen in his trips abroad to invest their money in the country. He is our best salesman. But certain restrictive provisions of the Charter could be impeding investments,” anang mambabatas.

“In our hearings at the House of Representatives last week and in Cagayan de Oro City last Friday, the overwhelming recommendation was to rewrite the Constitution’s economic provisions to allow for more foreign investments. The emerging consensus is to relax restrictions on the entry of foreign capital into the country,” dagdag niya.

Nauna na ring nagpahayag ng kahalintulad na sentimyento si Senador Robin Padilla, Senate committee on constitutional amendments chairman, kung saan sinabi niya na maaaring mabalewala lamang ang mga natanggap na pledges ni Marcos sa mga biyahe nito sa ibang bansa kung hindi maaamyendahan ang ilan sa economic provisions ng Konstitusyon.

Samantala, sinabi ni Rodriguez na magkakasa pa ang kanyang komite ng mas maraming konsultasyon sa iba pang lugar sa Luzon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.