Quezon lawmakers susuriin ang mga ordinansa sa pangingisda

0
394

Malalaking fishing vessels nakakaapekto sa maliliit na mangingisda

Nakatakdang suriin ng mga mambabatas ng probinsya sa Quezon ang mga umiiral na ordinansa sa pangingisda sa lalawigan upang matukoy kung kailangan ng mga amendment dahil sa dumaraming bilang ng mga commercial fishing vessel na naglalayag sa kanilang mga karagatan.

Sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong Lunes, sinabi ni Provincial Councilor Angelo Eduarte, pangulo ng Philippine Councilors’ League sa Quezon sa kanyang privilege speech na ang mga maliliit na mangingisda sa mga bayan na nakapaligid sa Inner Lamon Bay sa ika-apat na distrito ay matagal ng mga alalahanin.

Ang mga munisipal na konseho ng Alabat, Quezon at Perez, aniya, ayon sa kanya ay nagsagawa ng magkasanib na sesyon noong Pebrero 8 at tinalakay ang mga hakbang kung paano mas epektibong ipatutupad ang mga batas sa pangisdaan matapos magreklamo ang maliliit na mangingisda sa tatlong bayan sa dumaraming bilang ng malalaking fishing vessels na nago-operate sa kanilang municipal waters.

Binanggit ni Eduarte na noong Pebrero 9, pinangasiwaan ni Quezon Fourth District Representative Mike Tan ang Balikatan Congress-National Government Agency Local Government Unit Leadership Dialogue at Tripartite Cooperation upang bumuo ng maayos na ugnayan sa pagitan ng pambansa at lokal na pamahalaan.

Sa nasabing aktibidad, ipinaabot sa kanya at kay Tan ng mga mangingisda ang mga butas sa municipal fishing ordinance na pinagtibay ng mga munisipalidad ng Inner Lamon Bay, na nagbabawal sa malalaking sasakyang pangisda sa loob ng 15 kilometrong distansya mula sa baybayin ng mga bayan.

“That’s the big loophole. For example, between Quezon and Marinduque, it’s just about 28-kilometer distance. The tendency is for a fishing vessel to encroach on municipal waters beyond their own towns,” ayon kay Eduarte.

Kapag nangyari ito, huhulihin ng malalaking fishing vessels ang lahat ng isda at mapagkakaitan ang maliliit na mangingisda.

“We will revisit and review all the existing fishing ordinance and if need be, we will modify them to adapt to the present situation of the fisher folks,” dagdag ni Eduarte.

Isa sa mga pagbabago na kanyang tinitingnan ay irehistro ang lahat ng mga bangkang pangisda sa ibang munisipalidad para sa kaukulang buwis at obligasyon sa tuwing mangingisda sila sa ibang mga bayan.

Sinabi rin ng konsehal na aapurahin niya sa Biyernes ang pagdinig ng komite at iimbitahan ang lahat ng stakeholder kabilang ang mangingisda, miyembro ng Philippine Maritime Police at lokal na Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.