4 na sakay ng bumagsak na Cessna plane sa Mayon, patay na

0
269

Camalig, Albay. Patay ang lahat ng pasahero ng bumagsak na Cessna 340 na natagpuan malapit sa bunganga ng Bulkang Mayon, ayon sa kumpirmasyon ni Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo kanina.

“Hindi na po search and rescue. Retrieval na po ang operation ngayon kasi napuntahan na kahapon yung mga sakay ng eroplano. Wala na po talagang buhay. Nandun po yung apat na pasahero natin,” ayon sa alkalde sa isang radio interview.

Sinabi ng alkalde na nahirapan ang isang retrieval team na makarating sa crash site, na matatagpuan sa elevation na 3,500 hanggang 4,000 feet sa west side slope ng Mayon, dahil sa makipot na lupain ng bulkan.

“Challenge pa sa atin kung paano ibababa ang mga pasahero ng eroplano,” dagdag pa ng alkalde.

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Martes na ang wreckage na natagpuan malapit sa bunganga ng Bulkang Mayon ay ang Cessna 340 plane na nawala sa Bicol noong nakaraang weekend.

Nauna dito, sinabi ni Apolonio na sa kabila ng 2 Cessna planes na nawawala sa Bicol at Isabela simula noong Enero, walang dahilan para suspendihin ang kanilang operasyon sa bansa.

Binanggit din niya na isinasagawa ang pagsisiyasat kung bakit natagpuan ang nahulog na Cessna plane sa mga dalisdis ng Mayon, dahil ang bulkan ay itinuturing na no-fly zone.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.