WHO: COVID deaths, cases sa buong mundo bumaba na

0
220

Inireport ng World Health Organization (WHO) ang pagbaba ng mga bagong kaso at pagkamatay sanhi ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa pinakahuling epidemiological update na inilabas noong Miyerkules.

Ayon sa WHO, halos 5.3 milyong bagong impeksyon at mahigit 48,000 na pagkamatay ang iniulat mula Enero 23 hanggang February 19, na katumbas ng pagbaba ng 89 percent at 62 percent ayon sa pagkakasunod, kumpara sa nakalipas na 28 araw.

Samantala, mahigit 757 milyon ang kumpirmadong kaso at mahigit 6.8 milyon na pagkamatay ang naiulat sa buong mundo noong February 19.

Sa regional level, sinabi ng WHO na ang bilang ng mga bagong naiulat na 28-day cases ay bumaba sa lahat ng rehiyon ng WHO: ang Western Pacific Region na may 94% na pagbaba, ang South-East Asia Region na may 51%, ang America na may 43 %, ang Africa na may 34%, ang Europeo na may 33%, at ang East Mediterranean na may 26%.

Habang ang bilang ng bagong iniulat na 28-day deaths ay bumaba rin sa limang rehiyon–ang Western Pacific Region ay may 77% na pagbaba, ang South-East Asia Region ay may 62%, ang African Region na may 52%, ang European Region ay may 50%, at ang America ay may 14%.

Gayunman, sinabi ng  WHO na ang inuliulat na pagkamatay ay tumaas sa Eastern  Mediterranean Region na may  18% pagtaas.

Nana dito,  sinabi ng WHO na umaasa itong hindi na magiging public health emergency ang COVID-19 ngayong 2023.

Samantala, sa Pilipinas sinabi ng Department of Health (DOH) noong Miyerkoles na ang COVID-19 cases sa bansa ay  “plateauing” na may hindi bababa sa 832 na bagong impeksyon na naitala mula Pebrero 16 hanggang 22.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.