Presyo sa produktong petrolyo, ibaba sa susunod na linggo

0
171

Pagkatapos ng dalawang magkasunod na taas-presyo ngayong buwan, inaasahang muling bababa ang fuel prices sa susunod na linggo, ayon sa oil industry forecast kanina.

Ayon sa advisory ng Unioil Petroleum Philippines, posibleng bumaba ang diesel prices ng ₱1.20 hanggang ₱1.40 kada litro, habang ang presyo ng gasolina ay posibleng bumaba ng ₱0.70 hanggang ₱0.90 kada litro.

Epektibo ang adjustment sa Feb. 28 hanggang March 6, 2023.

Batay sa pinakabagong oil monitoring ng Department of Energy (DOE), ikinasa ng oil ang per liter increase na ₱0.90 para sa gasolina at ₱1.05 para sa diesel na epektibo noong Feb. 21.

Samantala, ibinagsak ang presyo ng kerosene ng ₱0.25 kada litro.

“These resulted in a year-to-date net decrease for diesel at ₱1.10 per liter and kerosene at ₱0.50 per liter. Gasoline on the other hand has a net increase of ₱6.00 per liter,” ayon sa DOE report.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo