Remulla pa rin sa Cavite 7th District

0
373

Trece Martires City, Cavite. Nanalo bilang bagong representative ng Congress si Crispin Diego “Ping” Remulla ng ika-7 Distrito ng Cavite na binubuo ng Indang, Amadeo, Tanza, at Trece Martires City matapos ang espesyal na halalan na ginanap kahapon, Pebrero 25.

Si Remulla ay idineklara kaninang umaga ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa Sangguniang Panlungsod Plenary Hall sa loob ng Cavite Provincial Capitol.

Pinalitan niya ang kanyang ama, si Jesus Crispin “Boying” Remulla, na hinirang na Justice Secretary ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ilang sandali matapos ang botohan noong Mayo noong nakaraang taon, na nagresulta sa pagkabakante ng pinag botohanng posisyon.

Ang nakababatang Remulla, na naging 7th district provincial board member ay nakakuha ng 98,474 boto, na tumalo sa dating mayor ng Trece Martires City na si Melencio De Sagun (46,530), Lito Aguinaldo (1,610) at Mike Santos (1,068).

Ang kabuuang turnout ng mga boto ay kumakatawan sa 42.11 percent o 149,581 na binilang na boto mula sa 355,184 na rehistradong botante.

Noong araw ng halalan, kasama ni Remulla ang kanyang asawa, si Georgia, at ang kanyang ama sa pagboto sa Tambo Malake Elementary School sa Indang.

Sa isang panayam, sinabi niya na marami silang nagawa noong kampanya at nakilala niya ang marami sa kanyang mga kabayan sa distrito.

Gayunpaman, tumanggi siyang magkomento nang tanungin ng media ang tungkol sa disqualification case na isinampa laban sa kanya ni De Sagun, at sinabi na hindi pa siya nakakatanggap ng kopya ng reklamo.

Ang disqualification case na isinampa noong Pebrero 23 ay nag-ugat sa post ng social media ng Trece Martires local government unit kung saan siya ay sumali sa isang social services event noong campaign period, na, ayon kay De Sagun, ay malinaw na paglabag sa election code.

“Napakapaaga pa para magtapos sa yugtong ito, ngunit nangangako kami na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon para sa inihaing disqualification case,” ayon kay Comelec chair George Garcia na tubong Indang.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.