Smart Makati HQ ipinasara

0
185

Ipinasara ng Makati City government ang Smart Communications Inc. dahil sa pago-operate nito ng walang business permit mula pa noong taong 2019.

Ayon sa cease and desist order na may petsang February 23, 2023, ang headquarters ng Smart na matatagpuan sa 6799 Ayala Avenue in Brgy. San Lorenzo, Makati City, ay lumabag sa Section 4A.01 ng Revised Makati Revenue Code o City Ordinance No. 2004-A-025.

Ayon sa Makati City government, hindi rin binabayaran ng Smart ang franchise tax deficiency nito na nagkakahalaga ng P3.2 bilyon mula January 2012 hanggang December 2015 at hindi pa ito nadedesisyunan ng korte.

“When businesses in Makati choose to operate without a valid business permit, they are essentially operating outside the law. This is unacceptable, and I want to make it clear that we will not tolerate this kind of behavior, whether you are a big or small company,” sabi ni Makati City Administrator Claro Certeza.

Sinabi ni Certeza na hiningan ng lungsod ang Smart ng breakdown ng revenues at business taxes na binayaran nito sa lahat ng branches sa bansa ngunit tumanggi itong magbigay ng dokumento.

Dumulog ang Smart sa Makati Regional Trial Court Branch 133 at hiniling na maibasura ang assessment na nagsasabing tumatanggi na magbayad ang Smart ng franchise tax. Dinala ng Smart ang kaso sa Court of Appeals at natalo noong 2022.

Habang sinusulat ang balitang ito, wala pang inilalabas na pahayag o paliwanag ang Smart.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.