Nagbabala ang PNP: Huwag pakialaman ang hazing death case

0
243

Calamba City, Laguna. Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) kanina, Marso 3 sa sinumang makikialam sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng 24-year-old Adamson University student na si John Matthew Salilig na pinaniniwalaang dahil sa fraternity-related hazing.

“The PNP gives stern warning to anyone, regardless of position or status in life, that the attempt to intervene and meddle in the conduct of investigation and prosecution of the said case will not be tolerated,” pahayag ng PNP.

Sinabi nilang nakipag-ugnayan na rin sila sa lahat ng units upang  magtulong-tulong at gamitin ang lahat ng available resources sa pagresolba sa kaso.

Batay sa impormasyon, dumalo si Salilig sa initiation rites ng Tau Gamma Phi fraternity bago napaulat na nawawala noong Pebrero 18.

Sampung araw ang nakalipas, natagpuan ang bangkay nito sa bakanteng lote sa Imus, Cavite.

Lumabas sa autopsy report na namatay si Salilig dahil sa “severe blunt force trauma in the lower extremities.”

Ayon sa witness, nakatanggap ang biktima ng 70 hataw mula sa mga miyembro ng grupo.

Ayon sa witness, nakatanggap ang biktima ng 70 hataw mula sa mga miyembro ng grupo.

Iniharap kahapon ng Biñan City Police Station sa Department of Justice (DOJ) prosecutors ang primary persons of interest. Sa kasalukuyan ay mayroon nang anim na Tau Gamma members ang nahaharap sa reklamo kaugnay ng pagkamatay ni Salilig.  

Ang kapatid ni Salilig na si John Michael, at isa pang neophyte na dumanas din umano ng hazing, ay nagsampa ng magkahiwalay na reklamo ng paglabag sa Republic Act 11053 o ang Anti-Hazing Act laban sa mga sumusunod:

  • Earl Anthony Romero
  • Tung Cheng Teng
  • Sandro Victorino
  • Michael Lambert Ritalde
  • Jerome Balot
  • Mark Pedrosa

Ang anim, na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya, ay sasailalim sa preliminary investigation kung saan ay papayagan sila na maghain ng kanilang counter-affidavit o depensa sa mga paratang laban sa kanila.

Ayon pa rin sa ulat ng Imus City Police Station, isang 23-anyos na estudyante ng nabanggit ding unibersidad, na sangkot din sa pagkamatay ni Salilig, ang sumuko sa mga awtoridad sa Cavite noong Huwebes.

Isang testigo ang nagsabi sa mga imbestigador na si Salilig, isang third year chemical engineering student, ay nagtamo ng hindi bababa sa 70 suntok sa katawan. Sinabi ng pulisya na tinitingnan nila ang 17 persons of interest sa kaso.

Samantala, nagsampa naman ng hiwalay na obstruction of justice complaint ang pulisya laban kay Gregorio Cruz, kung saan kinuha ang SUV na ginamit sa paghatid sa bangkay ni Salilig.

Nauna dito ay sinabi ni Police Col. Randy Glenn Silvio, director ng Laguna Provincial Police Office, na una nilang hiniling sa pamilya ng may-ari ng SUV na isuko ang sasakyan, ngunit tumanggi sila at hiniling na maglabas ng search warrant ang mga pulis.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.