P3.4-M shabu nasabat sa Cavite buy-bust

0
175

Bacoor City, Cavite. Nasabat sa mga operasyon ng pulisya dito noong Martes ng hapon ang 500 gramo ng hinihinalang shabu, na may street value na PHP3.4 milyon.

Ang buy-bust operation ay magkatuwang na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) team mula sa Region 4-A (Calabarzon) at Bacoor Component Police Station, sa kahabaan ng Town and Country Road sa Barangay Molino 3.

Kinilala ang suspek na high-value target na si Abobakar Balaiman, 43 anyos na residente ng Taguig City.

Sinabi ng PDEA na inaresto si Balaiman matapos magbenta ng hinihinalang illegal substance sa isa sa mga ahente nito na umaktong poseur buyer.

Narekober sa suspek, bukod pa sa hinihinalang shabu, ang dalawang identification card at marked money.

Dinala ang suspek sa PDEA headquarters sa Canlubang, Laguna province at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.