Retired na pulis, suspek sa murder robbery case sa Cavite

0
686

Alfonso, Cavite. Natagpuang nakaposas, duguan  at wala ng buhay ang isang 26 anyos na lalaki sa madamong bahagi ng isang bakanteng lote sa bayang ito.

Ang biktima, ayon sa pulisya ay kinilalang si Ralph Matthew Peredo, may- asawa at unang napaulat na nawawala noon pang Marso 10, 2023.

Ayon sa asawa ni Peredo, nakatawag pa sa kanya ang biktima at sinabi nito na pauwi na siya at bumibili lang ng pasalubong sa isang convenient store. Ito na daw ang huli nilang pag uusap ng biktima.

Batay sa pahayag ni PMajor Rommel Dimaala, hepe ng Alfonso Municipal Police Station,, nakakita ng kanyang mga tauhan ang isang empty shell ng .9mm caliber pistol sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ni Peredo.

Nakita naman sa Aguinaldo Highway, Silang, Cavite ang puting kotse ng biktima kung saan may mga bakas ng dugo ang unahang gulong nito.

Ayon sa kapatid na babae ni Peredo, nawawala na ang pera, gadgets, mga personal na gamit at ang relo ng biktima na nagkakahalaga ng P400,000 pesos bukod pa ang 24 carat  gold na suot nitong kwintas.

Sa backtracking ng CCTV na isinagawa ng mga pulis sa dinaanan ng kotse ni Peredo, nakita ang kotse ng biktima na lumalabas mula sa isang transient house pitong kilometro ang layo kung saan natagpuan ang wala ng buhay na biktima. Dito pinostehan ng mga pulis ang lugar at noong Martes ng ay lumabas ang isang suspekt na nakasuot sa katawan.nito ang sling bag na ayon sa kapatid ni Peredo ay pag aari ng biktima.

Hinuli ng mga operatiba ang suspek na kinilalang si Aljohn Samano, 27 anyos at residente ng nabanggit na bayan.

Sa interogasyon ng mga pulis kay Samano kung bakit nakaposas ang biktima, sinabi nito na may isang retiradong pulis na siyang mastermind sa panloloob at pagpatay kay Peredo.

Sasailalim sa patuloy na  inrerogasyon at imbestigasyon ang dinakip na person of interest, ayon kay Major Dimaala upang resolbahin ang kaso.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.