Bagong Administrative Building ng kapitolyo ng Laguna, pinasinayaan

0
343

Sta. Cruz, Laguna. “Bahagi po kayo ng katuparan ng aming pangarap,” ayon sa mensahe ni Laguna Governor Ramil Hernandez para kay Senator Christopher “Bong” Go sa pasinaya ng bagong ng Administrative Building kamakailan sa panlalawigang kapitolyo sa bayang ito. 

“Huwag kayong magpasalamat sa amin, kami ang dapat magpasalamat sa oportunidad ng inyong binigay para sa amin,” ito naman ang tugon ng senador.

Matatandaan na mula sa pagbibigay ng social services kabilang ang Malasakit Center at Super Health Center ay nagbibigay din ng  suporta  si Sen. Go ng programang pang-imprastraktura tulad nga ng bagong gusali sa kapitolyo.

Isinaad rin niya na ang gusali na kanilang sinusuportahan na maipagawa ay pag mamay-ari ng tao at hindi ng politiko.

Sa kasalukuyan ay kinukumpleto pa ang likod na bahagi ng gusali at aasahang matapos ito sa susunod na taon.

Kabilang sa mga sumuporta sa nabanggit na programa sina Bise Gobernador Atty. Karen Agapay, Congresswoman Ruth Hernandez, Board Member (BM) Peewee Perez, BM Niño Lajara, BM Wilfredo “Bong” Bejasa, BM Danzel Fernandez, BM Karla Adajar Lajara, BM Benjo Agarao, BM Meg Agarao, BM Milo San Luis, mga punong bayan ng lalawigan, Provincial Administrator Atty. Dulce Rebanal, Philip Salvador at mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.