Nangako ang House panel na ilalantad ang mga lider ng onion cartel

0
196

Ipagpapatuloy ng House Committee on Agriculture and Food bukas ng umaga ang pagtatanong tungkol sa pinaniniwalaang nag-iimbak ng mga produktong agrikultura, na naging dahilan ng sobrang pagtaas ng presyo ng sibuyas at iba pang produktong agrikultura, ayon kay House Speaker Martin Romualdez sa isang pahayag kahapon.

Nangako si Romualdez na ikukulong ang sinumang magsisinungaling sa panel, na pinamumunuan ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga.

Ang mga mambabatas ay nagsisikap na ilantad ang mga walang prinsipyong financier at mangangalakal sa likod ng kartel ng sibuyas at gulay.

Sila ay na-cite for contempt at ikinulong ang tatlong opisyal ng Argo International Forwarders Inc. dahil sa pagtanggi na makipag tulungan sa imbestigasyon.

Sinabi ni Enverga na inalis ang citation for contempt matapos tiyakin ng tatlo sa panel na sila ay makikipagtulungan at magsusumite ng mga dokumentong makakatulong sa pagtatatag ng manipulasyon sa presyo ng mga sibuyas at magbibigay ng mga lead sa pagkakakilanlan ng mga lider ng kartel.

“I cannot stress enough for these resource persons the importance of cooperating with the committee. Lie to lawmakers and you will all find yourselves in jail,” ang pagbabanta ni Romualdez.

Ang misyon ng komite ay bawasan ang presyo ng sibuyas at lansagin ang vegetable cartel, ayon sa kanya.

“We need to lower the prices of onions and decimate the cartel the soonest possible time. And I guarantee the imprisonment of those exploitative and abusive individuals and business owners behind the cartel. Our constituents need an immediate reprieve from the high prices of agricultural goods,” dagdag niya.

Sinabi ni Romualdez na inaasahan niya ang kooperasyon nina Argo president at general manager Efren Zoleta Jr., operations manager John Patrick Sevilla at legal counsel Jan Ryan Cruz sa pagtukoy sa mga hoarder.

“Let your detention by the committee be a lesson. If you will not tell us the truth, we will send you to jail,” ang kanyang pagtatapos.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo