Nasa Russia na si China President Xi

0
160

Dumating na si Chinese President Xi Jinping sa Russia para sa tatlong araw na state visit nito hanggang Marso 22 upang pag-usapan ang posibleng hakbang para sa kapayapaan sa Ukraine.

Sinabi ng Xi ang kanyang panukala kung paano reresolbahin ang krisis sa Ukraine na sumasalamin sa pananaw ng buong mundo at naglalayong ma-neutralize ang posibleng consequences.

Ayon sa tagapagsalita ni Russian President Vladimir Putin, gaganapin ang one on one meeting ni Russian President Vladimir Putin at Xi kasunod ng isang informal lunch.

Nais ng Chinese President na maiharap ang China bilang global peace maker. Naging hayag din ang China sa pagiging neutral nito pagdating sa conflict sa Ukraine at binatikos ang ipinataw na sanctions ng West laban sa Russia na malapit na kaalyado nito.

Matapos sa Russia, inaasahang magkakaroon din ng pag-uusap sa pagitan nina Chinese President Xi at ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.