Japanese ROV ship nasa Mindoro na ngayon para tumulong sa oil spill damage

0
220

Dumating sa Naujan, Oriental Mindoro ang isang Japanese dynamic positioning vessel (DPV) na nilagyan ng remotely-operated vehicle (ROV) ang upang tumulong sa pagpigil sa oil spill mula sa lumubog na M/T Princess Empress.

Pinangasiwaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director at OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Heronimo Tuvilla, at Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor at ng OCD-Mimaropa ang deployment ng ROV.

“The ROV will provide an assessment report on the actual condition of the submerged vessel within three to five days. The report will provide the government the basis to undertake further steps to control the spill from its source,” ayon kay Alejandro.

Nauna dito, tinalakay ni Tuvilla, ang incident commander, kasama sina Calapan City Mayor Malou Morillo, Pola Mayor Jennifer Cruz, Dolor, at mga miyembro ng Customs, Immigration, Quarantine, Security (CIQS) group ang nagpapatuloy na oil spill management operations kasama na ang entry at deployment ang Shin Nichi Maru.

Nagsagawa rin ng assessment ang mga opisyal sa oil spill sa Pola, Oriental Mindoro.

“Meanwhile, in a coordination meeting of the NDRRMC on March 15, Undersecretary Nepomuceno with officials and representatives of select government agencies assured Governor Dolor of the national government’s integrated interventions to mitigate the effects of the oil spill. Governor Dolor earlier raised concerns on the impact of the incident to the province,” dagdag ni Alejandro.

Ang NDRRMC Memorandum No. 19, series of 2023, ay inilabas din sa araw na iyon para sa paglikha ng isang pambansang task force para sa oil spill management sa Mimaropa at Western Visayas.

Ang task force ay pinamumunuan ng OCD at co-chaired ng Department of Environment and Natural Resources at PCG. Ang iba pang miyembro ng ahensya ay ang Department of the Interior and Local Government, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Foreign Affairs, Department of Agriculture, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ang Department of National Defense ay nagsagawa rin ng inisyatiba upang humingi ng expertise and technical support sa France at ng Estados Unidos.

Kahapon, Lunes, nakaapekto na ang oil spill sa 32,661 pamilya sa Mimaropa at Western Visayas.

May kabuuang PHP28.3 milyon na halaga ng humanitarian assistance mula sa gobyerno, local government units, non-government organizations, at iba pang katuwang, ang binigay na sa mga apektadong pamilya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.