Oplan Biyaheng Ayos ng PCG sa Semana Santa, nakaplano na

0
240

Nakaplano na ang Oplan Biyaheng Ayos ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa darating na Semana Santa at Summer 2023 upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero na dadagsa sa mga pantalan.

Ayon kay PCG Commandant, Admiral Artemio M. Abu, idedeklara ang “heightened alert” mula Abril 2  hanggang Abril 10 upang matiyak na maayos ang maritime operations at komportable ang biyahe ng mga tao na uuwi sa kani-kanilang probinsya at mga turistang mamamasyal sa mga tourist destinations.

Kabilang sa mga inihanda  ang mga K9 units, medical teams, security personnel, harbor patrollers, vessel inspectors, at deployable response groups.

Ito ay upang palakasin ang presensya ng PCG sa mga port passenger terminals, gayundin sa malawak na karagatan ng bansa upang bantayan ang maritime traffic.

“Para maging ligtas ang pagbabakasyon ng mga turista, siniguro natin na well-trained ang mga lifeguards at iba pang first responders na naka-deploy sa mga beaches, island resorts, at iba pang maritime tourism spots, lalo na sa Visayas at Min­danao,” ayon kay Abu.

Maglalagay din ng first aid at rescue equipment facilities ang PCG sa mga populated tourist destinations upang mabilis na maka-responde sa oras na magkaroon ng hindi inaasahang insidente.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo