DA naghahanda na upang matiyak rice supply dahil sa El Niño

0
393

Tiniyak kahapon ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estoperez na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang mga ‘worst-case scenario’ hinggil sa suplay ng bigas, kaugnay sa banta ng El Niño phenomenon.

Ayon kay Estoperez, itinuturing ng DA ang El Niño na isang kalamidad dahil ang epekto nito sa agricultural production ay katulad rin epekto ng bagyo.

Ayo sa kanya, ang National Food Authority (NFA) ay inatasan nang mamii ng palay pang makapag imbak ng buffer stock ang bansa.

Pinapayagan din silang mag-angkat ng bigas sakaling magkaroon ng kakulangan ng suppy nito.

Sinabi pa ng DA official na bagaman at sinabi ng PAGASA na ang impact ng tagtuyot ay maaaring maramdaman sa Visayas at Mindanao, gumagawa na rin ang pamahalaan ng kinakailangang paghahanda para sa buong bansa, kabilang ang Luzon.

Ayon sa ulat, kasana sa mga paghahanda ang pagtugon sa mga tagas sa irrigation system upang maiwasan ang pagkawala ng supply ng tubig.

Hinihikayat nila ang mga magsasaka na magtanim rin ng iba’t ibang uri ng pananim na resilient sa init.

Dahil mahal ang cloud seeding, irrigation systems ang magiging huling opsiyon ng pamahalaan upang magkaroon ng tubig.

Nauna dito, sinabi ng PAGASA na ang El Niño ay maaaring magsimula sa Hulyo, Agosto hanggang sa Set­yembre ng taong ito, at maaari pang magtagal hanggang unang quarter ng 2024.

Author profile
Joel Frago

Si Joel Frago ay isang rehistradong Nurse at Midwife. Siya ay isa ring Pastor.  Naging magsasaka siya mula noong 2004 at nagkamit ng mga pagkilala at prangal sa larangan ng farming.  Pinarangalan siya bilang isa sa Ten Outstanding Pableño noong 2018.  Siya ang nataguriang Kusinero de Bukid ng Forest Wood Garden, isang agritourism destination na dinrayo ng mga turista mula sa loob at labas ng bansa.