Vatican: Pope Francis naospital dahil sa respiratory infection

0
197

Vatican. Dinala sa isang ospital sa Rome ang 86 anyos na si Pope Francis, dahil sa respiratory infection na nangangailangan ng ilang araw na pamamalagi sa ospital.

“In recent days Pope Francis has complained of some breathing difficulties,” ayo kay Vatican spokesman Matteo Bruni sa isang pahayag.

Ang Santo Papa ay dinala sa Gemelli hospital upang sumailalim sa ilang medical checks kaugnay ng “respiratory infection… that will require a few days of appropriate hospital medical treatment”, ayon kay Bruni.

Nauna dito, sinabi na ng Vatican na dinala si Pope Francis sa ospital “for some previously scheduled checks.”

Kasalukuyang nasa ika-10 taon ng panunungkulan ni Pope Francis bilang pinuno ng Simbahang Katolika, at kamakailan ay nakita pa siyang nakikisalamuha sa publiko.

“Pope Francis is touched by the many messages received and expresses his gratitude for the closeness and prayer,” dagdag pa ni Bruni.

Ayon sa source sa Vatican, kinansela na ang mga appointments ng Santo Papa na nakatakda sa Huwebes ng umaga, Marso 30, oras sa Vatican.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.