Dasmariñas City, Cavite. Arestado na ang suspek sa pagpatay kay Queen Leanne Daguinsin, graduating student ng De La Salle University-Dasmariñas sa Cavite, kaninang umaga.
Batay sa ulat ni Col Christopher Olazo, Director ng Cavite Police Provincial Office, naaresto ang suspek na si Angelito Erlano (alyas Kulet) dakong alas-10:40 ng umaga sa Purok 4, Barangay Victory Reyes sa isinagawang hot pursuit operation.
Nagsagawa ng follow-up operation ang Provincial Intelligence Unit sa barangay matapos ang tip ng isang impormante na si Erlano ay nagtatago sa bahay ng kanyang kaibigan.
Sa paghaharap, nanlaban ang suspek at sinubukang salakayin ang rumespondeng opisyal gamit ang improvised pointed weapon, ngunit hindi ito nagtagumpay.
Si Daguinsin, 22, ay natagpuang walang buhay na may 14 na saksak noong Marso 28 sa loob ng kanyang dormitory room.
Nakilala ang suspek matapos ang pagsusuri sa mga security camera nang sumunod na araw.
Ang suspek ay may mga naunang kaso ng pagnanakaw, ayon sa record ng pulisya.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.