DOJ chief, ibinunyag ang ‘direktor’ ng Degamo slay plot

0
551

Nahuli na ang isa pang pangunahing tauhan sa pag-atake noong Marso 4 na ikinamatay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo, ayon sa pahayag ni  Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla kahapon.

Sa isang press conference sa Camp Crame, sinabi ni Remulla na ang suspek na si Marvin Miranda ay naaresto noong Marso 31 ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Brgy. Mayabay, Barbaza, Antique.

Kinilala ni Remulla si Miranda bilang isa sa mga “major players” sa likod ng pag-atake na ikinamatay din ng walong iba pa.

Tinukoy din ng DOJ chief si nasuspendidong Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. bilang “producer o executive producer ng buong produksyon.”

“Kung sa sine natin titingnan ito, analogy to ng movie, si Marvin was a director, producer of the props and casting director. Siya ‘yung nag-recruit ng mga tao, siya ang talagang kumuha sa mga tao at nag-recruit sa kanila” dagdag niya.

In the same briefing, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. said Miranda is the “missing vital link” and “one of the main conspirators” behind the assassination of Degamo, based on the testimonies of the other suspects who were either arrested or surrendered.

Sa ginanap na briefing, sinabi ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na si MIranda ang ‘missing link’ ay isa sa ‘main conspirators’ sa likod ng pagpatay kay Degamo, batay sa mga testimonya ng iba pang suspek na nahuli at sumuko.

“Napaka-importante ng taong ito (Miranda). Base sa rebelasyon at confessions ng arrested suspects, including a discharged former AFP (Armed Forces of the Philippines) member who had direct participation in the killing of Gov. Degamo,’’ ayon sa statement ni Abalos sa mgareporters.

Ibinunyag ni Abalos na si Miranda, sa utos ng isang taong kilala bilang “Boss Idol”, “Big Boss” o Kalbo,” ay nagrekrut ng mga suspek at siyang nagbigay sa kanila ng logistik at materyal na suporta sa panahon ng pagpaplano at pagpapatupad ng pagpatay.

Ipinakita ng mga rekord na si Miranda ay isang matagal nang security staff at bodyguard ni Teves, may mga kriminal na rekord, at inaresto noong Hunyo 29, 2020, dahil sa ilegal na pagmamay-ari ng mga baril.

Sinabi ni Abalos na si Miranda ay umamin ng guilty sa isang lesser offense at pinatawan ng hanggang dalawang taong pagkakakulong at multang PHP10,000 ng korte sa Aklan.

“We are now at the tail end of our quest for justice, and hunt for the masterminds behind the death of Gov. Degamo and eight others and wounding of many more victims and with the arrest of Marvin Miranda, we are certain that the pieces of the puzzle are almost complete and we can clearly picture out what really transpired before, during and after the brazen attack in Pamplona, Negros Oriental which will eventually help us in unmasking and identifying the main conspirators and masterminds behind the gruesome murder of Gov. Degamo and others,’’ ang pagbibigay diin ni Abalos..

Sarado na ang kaso

Sinabi ni Remulla na malaki ang bahagi ng pulitika sa pagpatay kay Degamo.

“Kumbaga sa pulis, case closed na ito, prosecution na tayo pagkatapos, but we know who masterminded it. (In police terms, this case is already closed. We are now in the prosecution phase but we know who masterminded it),” ayon kay Remulla.

Nang tanungin kung kailan sasampahan ng mga kaso si Teves, sinabi ni Remulla na kailangan nilang sundin ang “due process.”

“He can answer questions in the preliminary investigation. That will make our job easier and it will make it easier for all of us Filipinos na we can remove uncertainty,” ito ang sagot ni Remulla noong tanungin kung agad na dadakipin si Teves sa sandaling dumating ito sa bansa.

Bukod kay Miranda, may 10 pang suspek na nasa kustodiya ng NBI na sina Osmundo Rivero, Joven Javier, Joric Labrador, Benjie Rodriguez, Winrich Isturis, Dahniel Lora, Rommel Pattaguan, John Louis Gonyon, Eulogio Gonyon Jr., at Rogelio Antipolo Jr.

“We have accounted for all those directly involved in the killing of Governor Degamo and eight of the 11 have been or will be charged with multiple murder, frustrated murder as well as attempted murder. In addition, some of the suspects will be charged with illegal possession of firearms and explosives,” dagdag niya.

Hunt vs. ‘spotters’

Samantala, sinabi ni Abalos na ang mga pulis na diumano ay nagsilbing “spotters” sa pag-atake ay iimbestigahan at paparusahan ng naaayon sa batas.

Ang impormasyong ito aybatay sa pagbubunyag ng abogadong si Levito Baligod na abogado ng pamilya Degamo.

Iginiit ni Abalos na iimbestigahan ng National Police Commission ang reklamo laban sa mga pulis na susupindihin habang isinasagawa ang imbestigasyon at tatanggalin sa serbisyo ng pulisya kung kinakailangan.

Binanggit ni Baligod na nagpahayag ng kasiyahan ang biyuda ni Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo sa isinagawang imbestigasyon, partikular ang kooperasyon na ipinakita ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ibinunyag niya na mas marami ang mga testigo na nagsasabing meron silang mga ebidensya na nagtuturo sa ilang pulis na nagsilbing spotters ng mga pumatay sa mga biktima.

Tinukoy ni Baligod ang mga rekord na nagpakita ng 64 na iba pang pagpatay “even before the March 4 incident”, at ipinaalam kay Abalos na ang iba pang mga tao ay handa na ngayong makipagtulungan sa mga awtoridad ng gobyerno basta’t mabibigyan sila ng sapat na seguridad.

Noong Marso 26, sinalakay ng Special Investigation Task Group ng Police Regional Office-7 (Central Visayas) ang bahay ni Miranda sa Bayawan City, kung saan narekober ang mga iligal na baril at bala, granada at mga larawan ni Degamo, kanyang pamilya pati na rin ang kanilang tirahan. 

Wala si Miranda sa panahon ng raid.

Ibinunyag din ni Abalos na isa sa mga mahahabang baril (sniper rifle) na nasamsam sa raid ay pag-aari ng kapatid ni Teves na si dating Negros Oriental governor Pryde Henry Teves, at nakarehistro sa ilalim ni Teves.

Nauna dito, sinabi ni Remulla na mayroong dalawangplot sa pagpatay kay Degamo — sa pamamagitan ng isang sniper at gamit ang isang rifle grenade.

“We are confident that with all the pieces of evidence at hand our pursuit of justice is within our sight. All of these things, testimonies, forensic etcetera, lahat po ito mag-uugnay sa mastermind,” ang pagtatapos ni Abalos.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.