Naka-high alert ang PNP sa Semana Santa

0
723

Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) na nakaalerto na ang lahat ng kanilang units bilang paghahanda sa seguridad sa Holy Week.

Ayon kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Rhodel Sermonia, nagsimula ang heightened alert status noong Linggo, 8 a.m. at magtatagal hanggang sa umaga ng April 11.

Upang maiwasan ang mga posibleng krisis sa kapayapaan at kaayusan, iniatas ni Sermonia sa lahat ng Police Regional Offices (PROs) at National Operational Support Units (NOSUs) na mag-ingat at maghanda upang mapigilan ang anumang uri ng pag-atake.

Binigyan rin ng kapangyarihan ang mga PROs na itaas ang kanilang alert level depende sa kalagayan sa kanilang mga AORs.

Inatasan din ang lahat ng duty personnel na mag-deploy sa mga lugar kung saan maaaring magkaroon ng pagtitipon-tipon, kasama na ang transport hubs, mga lugar ng pagsamba, mga beach resort, palengke, leisure parks, at malls.

Bukod pa rito, ia-activate ang mga PNP “red teams” na nakahanda para sa deployment sa ilalim ng pamamahala ng kanilang mga Deputy Director for Operations (DDOs) at Deputy Regional Director for Operations (DRDOs).

“Ang kaligtasan at seguridad ng publiko ang aming pinakamataas na prayoridad. Hinihikayat namin ang lahat na makipagtulungan sa mga awtoridad at sundin ang mga safety protocols upang masigurong mapayapa at makabuluhan ang pag-observe ng Holy Week,” dagdag pa ni Sermonia.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo