IM Pilipinas, inilunsad sa Laguna

0
636

Sta. Cruz, Laguna. Inilunsad kahapon ang IM Pilipinas 2022 sa pangunguna ni Atty. Tony Carolino kasama sina Sta. Maria Mayor Cindy Carolino, Laguna, Reyween Regalado, 4th District convenor ng nabanggit na grupo, at Francis Joseph “Milo” San Luis.

Dumalo sa ginanap na pagtitipon na ginanap sa Panganiban Compound sa Brgy. Callos, Sta. Cruz, Laguna ang mga miyembro mula ibat-ibang sektor sa Laguna 4th District kabilang ang Samahan ng Manggagawa. Samahan ng Mangingisda, Samahan ng Kabataan, Samahan ng Kababaihan, LBTQ, TODA, JODA.

Naging matingkad na kahilingan ng mga lumahok sa paglulunsad ang ayon sa kanila ay “pagpapaunlad ng antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dagdag na pagkakataon sa trabaho at hanapbuhay,” na ayon kay Carolino ay kanyang pagsisikapang matugunan sakaling palarin sa kanyang laban bilang Congressman ng Laguna 4th District sa 2022.

Ang IM PILIPINAS ay grupong sumusuporta sa presidential bid ni Isko Moreno at pinaniniwalaang may malawak na suporta sa lalawigan ng Laguna, ayon sa report.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.