DOH, CBCP: Pagpapako sa krus maling kaugalian ng mga deboto

0
652

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga deboto hinggil sa paghampas sa sarili at pagpako sa krus bilang bahagi ng kanilang penitensya ngayong Semana Santa.

Sa media forum, idiin ni Health OIC Maria Rosario Vergeire na ang pangunahing nakukuha ng mga tao sa nasabing aktibidad ay tetanus o impeksyon dahil sa bacteria na tinatawag na Clostridium tetani.

Sinabi ni Vergeire na ang mga tao na may mga sugat ay maari ding makakuha ng impeksyon na magdudulot ng mas malaking pinsala sa katawan. Posible ring makakuha ng pasa at pilay kapag ipinako ang mga buto sa kamay at paa.

Pinayuhan ni Vergeire ang mga deboto na gawin ang ibang pagsasakripisyo ngayong Holy Week bukod sa nabanggit na traditional religious practices.

Pinag-iingat din ni Vergeire ang paghalik sa imahen, bagama’t walang paghihigpit tungkol dito.

Kaugnay nito, sinabi Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano noon pang 2019 na ang pagpapako sa krus maling kaugalian ng mga deboto.

Muling iginiit ng Simbahang Katolika na mali at hindi nila kailanman hinikayat ang mga deboto na magpapako sa krus o maglatigo ng kanilang likod tuwing Semana Santa, partikular sa Biyernes Santo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.