2 lugar sa PH nakapagtala ng mapanganib na heat index

0
271

Nakapagtala ng pinakamataas na computed heat index na umabot sa 47 degrees Celsius ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon, Abril 10, sa San Jose, Occidental Mindoro at Butuan City, Agusan del Norte.

ay nakapagtala ng pinakamataas na computed heat index na umabot sa 47 degrees Celsius.

Ayon sa PAGASA ang “heat index” ay ang init ng temperatura na nararamdaman ng katawan.

Ang mga temperatura na umaabot sa 42 hanggang 51 degrees ay itinuturing na nasa danger zone kung saan posibleng magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion ang isang tao, at dumanas ng mapanganib na heat stroke ay kung patuloy na mabibilad sa sobrang init.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.