Magbabawas ang Manila Electric Company (Meralco) ng P0.118 kada kilowatt hour (kWh) sa singil sa kuryente ngayong Abril.
Dahil sa bawas sa singil, ang overall electricity rate ngayong buwan ay magiging P11.3168 kada kWh na lamang, mula sa P11.4348/kWh noong Marso.
Katumbas ito ng P24 bawas-singil para sa mga tahanang gumagamit ng 200 kwh kada buwan; P35 sa 300 kwh; P47 sa 400 kwh at P59 sa mga tahana na 500 kwh ang kunsumo kada buwan.
Ipinaliwanag ng Meralco na ang pagbaba ng singil ay resulta ng mas mababang generation at transmission charges.
Ang generation charge, o ang halaga ng biniling kuryente mula sa suppliers na higit 50% ng total bill, ay bumaba sa P7.3295 kada kWh mula sa dating P7.3790 kada kWh.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo