Shabu via LBC, nabuking sa Cavite

0
355

Dasmariñas, Cavite. Nabuking kahapon ang tangkang pagpapadala sa LBC ng tinatayang P255,300 ng hinihinalang shabu na nakabalot sa bubble wrap dahil nadiskubre ito sa inspeksyon ng nabanggit na courier services sa Brgy. Paliparan 3, sa lungsod na ito sa Cavite.

Kaagad inireport sa Bacoor Intel Operatives at City Drug Enforcement Unit ang mga nadiskubreng ebidensya na 32 plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 39 gramo at may estimated value na P255,300.

Ayon sa ulat, sinubukang ipadala ito ng suspek na si Mark Catembuan sa lalawigan ng Occidental Mindoro sa pamamagitan ng LBC, subalit sa aktong sinusuri ang pouch ay  mabilis na tumakas ang suspek.  Nakabalot ang droga sa bubble wrap at binalutan ng damit.

Kasalukuyang tinutugis ng mga pulis ang suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.