PH may 443 bagong COVID cases

0
220

Naireport ng Department of Health ang 443 bagong COVID-19 cases sa buong bansa nitong Linggo, at sumampa ang COVID-19 cases sa bansa sa 4,085,969.

Tumaas ang bilang ng aktibong kaso sa 9,569, pinakamataas sa loob ng walong araw sa ika-16 na pagkakataon na nakapagtala ng mas mataas sa 9,000 na aktibong kaso, ayon sa ulat.

Tumaas din ang bilang ng mga gumaling sa 4,009,961, habang umakyat din ang death toll sa 66,439.

Pinakamaraming kaso sa mga sumusunod na lugar sa nakalipas na dalawang linggo sa Metro Manila sa 1,344 cases, sinundan ng Calabarzon sa 493, Davao Region sa 446, Northern Mindanao sa 301, at BARMM sa 232.

Ang COVID-19 bed occupancy ay 6.7%, kung saan 3,933 beds ang okupado at 19,556 ang bakante.

Muling nagpapaalala si San Pablo City Health officer James Lee Ho na maging responsableng mamamayan at patuloy na sumunod sa health and safety protocols.

Kinakailangan ang agarang paghihiwalay (immediate isolation) para sa sinumang indibidwal na may lagnat o hindi bababa sa dalawa (2) o higit pang sintomas ng COVID-19 (ibig sabihin, ubo at sipon, o sipon at namamagang lalamunan). Ang lahat ng asymptomatic na nakumpirma na mga kaso ay dapat ilagay sa isolation ng hindi bababa sa 10 araw mula sa unang viral diagnostic test, ayon kay Lee Ho.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.