PAGASA: Tumaas ang posibilidad ng El Niño

0
217

Tumaas ang posibilidad ng El Niño sa Hunyo hanggang sa unang quarter ng 2024, ayon sa report kay Deputy Administrator Esperanza Cayanan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon.

Mula sa 55-porsiyento na posibilidad, tumaas ng 80 posyento ang tsansa para sa El Niño sa pagitan ng Hunyo at Agosto hanggang. Ang posibilidad ng El Niño sa pagitan ng Nobyembre at Enero 2024 ay tumaas din sa humigit-kumulang 87 porsyento.

Ang posibleng epekto ng El Niño sa ilang lugar sa bansa ay tagtuyot o dry spell, ngunit mararamdaman ito sa huling quarter,” ayon PAGASA sa isang briefing.

Posibleng makaranas ng malakas na pag-ulan bago maramdaman ang epekto ng El Niño dahil maulan o “habagat” (southwest monsoon) season sa Hunyo hanggang Setyembre, dagdag ni Cayanan.

“Sa dati nating karanasan, posibleng makaranas ng matinding pag-ulan — katulad ng Ondoy (Typhoon Ketsana) noong 2009 noong nagkaroon ng El Niño hanggang 2010. Extreme (rainfall) ang naranasan bago ang kakulangan sa tubig,” ayon sa kanya

Binanggit din ni Cayanan na ang forecast ng PAGASA para sa buwan ng Abril ay nagpakita na nasa 26 na probinsya ang maaaring makatanggap ng mas mababa sa normal na pag-ulan habang ang “generally normal” na pag-ulan ay inaasahan sa Mayo.

Sa Hunyo, ang kanlurang bahagi ng bansa ay inaasahang makakaranas ng mga pag-ulan at posibleng pagbaha dahil sa habagat.

Ang mga normal na kondisyon ay malamang sa Hulyo, ngunit nagbabala si Cayanan na posible pa rin ang pagbaha sa kanlurang bahagi ng bansa. Isolated below normal rainfall, gayunpaman, ang forecast sa Tarlac.

Maaaring maramdaman ng kanlurang bahagi ang epekto ng mas malalang habagat sa Agosto. Ang ilang mga lugar tulad ng Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Bicol ay maaaring makatanggap ng mas mababa sa normal na pag-ulan.

“Generally, we expect rains until September, and heavy rains in the western section. Ang peak kapag maraming tropical cyclones sa panahon ng El Niño ay kadalasang nangyayari sa July,” ayon sa kanya.

Isang tropical cyclone ang inaasahan ng PAGASA sa Abril; isa o dalawa sa Mayo at Hunyo; at mga dalawa hanggang tatlo bawat isa sa Hulyo, Agosto at Setyembre.

Samantala, sinabi ni Cayanan na ang Northern Luzon ay maaaring makaranas ng pinakamataas na temperatura na 40.9 °C sa Mayo habang ang Metro Manila ay maaaring umabot sa 37.9 °C.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo