Alamin ang guidelines ng 2nd Covid booster dose

0
208

Naglabas na ng guidelines ang Department of Health (DOH) para sa paggamit ng pangalawang COVID-19 booster shots sa general population.

Sinabi ng DOH na ang mga healthy adults  na nasa edad 18 pataas ay maaaring kumuha ng kanilang pangalawang COVID-19 booster shot pagkatapos ng mahigit anim na buwan pagkatapos makuha ang kanilang unang booster dose.

Ayon sa DOH, ang Pfizer, Moderna at AstraZeneca ay gagamitin para sa second booster inoculation.

Ang  healthcare workers na edad 50 pataas at ang mga may comorbidity ay makakatanggap ng kanilang booster jabs matapos ang mahigit sa tatlo Hanggang apat na buwan, depende sa brand ng first booster vaccine na kanilang natanggap, ayon sa DOH.

Sa kabilang banda, ang  immunocompromised adults, ay makakakuha ng kanilang  second booster shots matapos ang mahigit sa tatlong buwan mula nang makatanggap ng unang booster dose.

Sinabi ng DOH na wala pang second booster vaccine para sa edad 5 hanggang 17.

Sa ngayon, pwede lamang ang second booster shots sa mga frontline healthcare workers  senior citizens, at persons with comorbidities.

Batay sa pinakahuling datos mula sa DOH, mahigit sa 79.1 miyong Pilipino ang ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19 habang mahigit sa 24.1 milyon Pilipino ang nakatanggap ng kanilang booster shots hanggang noong Marso 16,2023.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.