OCTA: Nationwide Covid-19 positivity rate umakyat sa 8.5%

0
134

Umakyat sa 8.5 porsyento ang positivity rate ng bansa o ang bilang ng mga taong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19)noong Abril 19.

Sa Twitter noong Miyerkules ng gabi, nagreport si OCTA Research Group fellow Dr. Guido David ng 382 bagong kaso, na nagdala ng kabuuang bilang sa 4,086,981, ayon sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH).

“Mayroong 8,252 na aktibong kaso,” ayon sa kanya.

Nabanggit din niya na 2,138 na bagong recoveries ang nagdala sa kabuuang bilang ng mga recovered cases sa 4,012,286.

Walang naitala na bagong pagkamatay.

Noong Martes, sinabi ni DOH Officer in Charge Maria Rosario Vergeire na umabot sa 7.6 percent ang positivity rate sa buong bansa, mas mataas sa 6.9 percent noong nakaraang linggo.

Sinabi rin niya na ang pang-araw-araw na average ng mga bagong kaso ay umabot sa 371 mula noong nakaraang linggo na 274.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang inirekomendang threshold para sa Covid-19 positivity rate ay 5 percent.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na huwag maalarma sa tumataas na kaso ng Covid-19 dahil ang health care system ng bansa ay nakahanda para sa malubha at kritikal na mga kaso.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.