P5M na iligal na Narra, Lawaan nasabat ng NBI sa Quezon

0
357

Lucena City, Quezon. Arestado ng mga operatiba ng NBI Lucena District Office ang apat apat na suspek na illegal logger sa Brgy. Malicboy, Pagbilao, Quezon kamakailan.

Kinilala ni Atty. Bernard A. Dela Cruz, NBI LUCDO agent in charge ang mga suspek na illegal loggers na sina Mavie Jusayan Catarus- Escober; Juanito Lara Jr; Julius Abtado Merencillo at Oeth Doinog.

Nag-ugat ang operation sa intelligence information hinggil sa isang 12-wheeler truck na diumano ay kargado ng mga undocumented forest products at nakatakdang ihatid mula sa Calbayog, Samar patungong Malvar, Batangas.

Ayon kay G. Bernard dela Cruz, NBI Lucena District Office head, dakong ika- 11 Miyerkules ng gabi ng masabat ng kanilang mga tauhan ang 12 wheeler truck patungo sa direksiyon ng Batangas.

Pinara ng mga ahente ng NBI at pulis ang truck at nakita ang karga nitong mahigit na 7,000 board feet na Narra at Lawaan na putol putol na at tinatayang nagkakahalaga ng humugit kumulang na P5M.

Walang naipakitang kaukulang dokumento ang mga apat na biyahero upang magbiyahe ng mga kahoy ayon kay Dela Cruz.

Ang mga nakumpiskang kahoy kasama ang trak ay dinala sa Community Environment Natural Resources Office-DENR Tayabas samantalang nahaharap naman sa kasong paglabag sa Forestry Reform Code of the Philippines ang apat na nadakip.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.