Marcos: Nagsusumikap ang gobyerno na ilabas ang mga Pinoy na nakulong sa Sudan

0
208

Gumagawa ng mga plano ang gobyerno upang ligtas na mailabas ang mga nakulong na Pilipino sa Sudan, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na ang gobyerno ng Pilipinas ay kumukuha ng karagdagang impormasyon upang mas paghandaan at matiyak kung posible ang paglikas.

“We have about 300 people in Sudan. Unfortunately, none of the airports are functioning. They are still under fire. We are just waiting to get better information as to whether or not it will be safe to bring our evacuees out of Khartoum, perhaps into Cairo,” ayon kay Marcos.

Ipinaliwanag niya na wala pang natutukoy na ligtas na ruta dahil ang kabisera ng Sudan na Khartoum ay daan-daang milya ang layo mula sa Egypt, kung saan matatagpuan ang pinakamalapit na Embahada ng Pilipinas.

Noong Huwebes, sinabi ng Department of Foreign Affairs na hindi bababa sa 86 ang Pinoy na gustong lumikas o mapauwi sa Pilipinas.

Ayon sa World Health Organization, mahigit 400 katao na ang namamatay sa patuloy na labanan sa Sudan mula nang magsimula ang in-fighting sa pagitan ng Sudanese Armed Forces (SAF) at ng Rapid Support Forces (RSF) paramilitary group noong Abril 15.

Ang isang 72-oras na cease fire ay natapos na, ayon sa mga ulat ng Anadolu, ayon sa anunsyo ng isang lokal na asosasyon ng mga doktor noong Sabado.

Ang mga ospital ay patuloy na tinatarget sa labanan dahil nabigo ang magkabilang panig na tuparin ang kanilang mga pangako sa ilalim ng tigil-putukan, ayon sa ulat ng Central Committee of Sudanese Doctors (CCSD).

Sinabi ng isang reporter ng Anadolu na ang labanan ay kumalat sa Bahri at Omdurman, mga lungsod na katabi ng Khartoum, idinagdag ng CCSD, na ang mga pag-aaway ay nagaganap din sa paligid ng army headquarters at ng presidential palace.

Inakusahan ng magkabilang panig ang isa’t isa ng paglabag sa cease fire, sinasabi ng army na ang RSF ay nagtutulak ng mas maraming pwersa sa Khartoum, habang ang grupong paramilitar ay nagsabi na sinalakay ng SAF ang mga pwersa nito sa iba’t ibang lokasyon.

Samantala, nagsimula ang proseso ng paglikas ng mga dayuhang diplomat, kung saan ang dalawang naglalabanang partido ay pumayag na buksan ang mga airport.

Sinabi ng SAF sa isang pahayag sa Facebook na ang hepe ng army na si Gen. Abdel Fattah Burhan ay nakatanggap ng mga kahilingan mula sa iba’t ibang bansa na payagan ang paglikas ng kanilang mga mamamayan.

“We are waiting for the process to begin in the coming hours as US, UK, France, and China will provide military planes for the evacuation from Khartoum,” ayon sa statement.

Idinagdag nito na ang Saudi diplomatic mission ang unang bansa na pinayagang lumikas ang mga mamamayan sa pamamagitan ng Port Sudan, idinagdag na ito ring rutang ito ang gagamitin ng Jordan.

Sinabi rin ng Kuwait noong Sabado na naglunsad ito ng “emergency operation” para ilikas ang mga mamamayan nito.

Ayon sa ulat ni Interior Minister na si Sheikh Salim Abdullah al-Jaber al-Sabah, lahat ng Kuwaiti na gustong bumalik sa Gulf country ay ligtas na nakarating sa lungsod ng Jeddah sa Saudi Arabia at nagpatuloy ang pagsisikap na madala sila sa Kuwait.

Samantala, ang US troops  ay nagsagawa ng ng evacuation operations ng humigit-kumulang na 70 Amerikano na tauhan ng embahada ng Amerika sa Sudan.

Isinasara ang US embassy doon habang nagpapatuloy ang labanan sa ikasiyam na araw ngayon, ayon sa isang senior na opisyal ng administrasyon ni Biden.

Ligtas na umalis ang mga tropang US sa Sudanese airspace matapos i-airlift ang mga tauhan ng embahada ng Amerika palabas ng kabisera ng Khartoum, ayon sa kumpirmasyon opisyal ng U.S.

Inutusan ni Pangulong Joe Biden ang mga tropang Amerikano na ilikas ang mga tauhan ng embahada matapos makatanggap ng rekomendasyon noong Sabado mula sa kanyang national security team na hindi pa nakikita na matatapos ang labanan, ayon sa opisyal na hindi nagpakilala dahil sa sensitibong katangian ng misyon. (na may mga ulat mula sa Associated Press at Anadolu)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo