Benjamin Acorda Jr bagong PNP chief

0
532

Pinangalanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong araw si Police Major General Benjamin Acorda Jr. bilang bagong hepe ng Philippine National Police.

Papalitan ni Acorda si outgoing PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na nakatakdang magretiro ngayong Lunes.

Dadalo si Marcos sa change of command ceremony sa Camp Crame ngayong umaga.

Bago ang kanyang appointment bilang sunod na PNP chief, si Acorda ang PNP director for intelligence.

Miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sambisig” Class of 1991, nagmula si Acorda sa Ilocos Norte, ang home province ni Marcos.

Kabilang sa specialized training ni Acorda bilang police officer ang Police Intelligence Officer Advanced Course, Logistics Management Course, at Training Course on Drug Law Enforcement for the Philippines.

Nagsilbi rin si Acorda na Regional Director ng Police Regional Office 10 sa Northern Mindanao. Bilang regional director, nakakuha siya ng mataas ng public trust rating at napanatili ang minimal level ng krimen.

Bilang Investigator, dati siyang hepe ng Camanava Criminal Investigation and Detection Team ng PNP Criminal Investigation and Detection Group; dating CIDG Region 4-B chief; at namuno sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Si Acorda ay dati ring Chief of the Operations and Plans’ Branch, Intelligence Officer and Assistant Provincial Director for Operations ng Ilocos Norte Police Provincial Office noong 2008 at CIDG Deputy Chief of Operations noong 2010. Nagsilbi rin siyang Deputy Director for Operations at kalaunan ay Deputy Director for Administration ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ang opisyal ay dati ring chief of staff ng PNP Civil Security Group at saglit na namuno sa PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group na nilikha para tugisin ang mga tiwaling parak. 

Batay sa press statement mula Malacañang, sinabi nito na itinuturing si Acorda bilang “dark horse” sa mga pinagpilian para sa sunod na pinuno ng national police.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.