Mag ina patay sa aksidente sa motor sa Rizal

0
661

Antipolo City Rizal. Dead on the spot ang isang mag ina matapos salpukin ng isang Toyota Innova ang sinasakyan nilang motorsiklo at mahulog ito sa bangin sa Sumulong Highway, Brgy. Sta.Cruz, lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Sa report ni Police Col. June Paolo Abrazado, hepe ng Antipolo City Police Station kay Rizal PNP provincial director Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga biktima na sina Herran Lander Alejandro, 25 anyos at ang Ina nito na si Anne Alejandro, mga residente ng  nabanggit na lungsod.

Sugatan naman ang suspek na kinilalang si Luis Bayanin lll,  na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide at damage to property.

Ayon sa imbestigasyon, bandang 6.30 ng gabi diumano ay marahang minamaneho ng batang Alejandro ang kanilang motorsiklo patungong lungsod ng Antipolo ng bigla silang salpukin ng Innova wagon na minamaneho ni Bayanin. 

Batay sa maraming motorista at commuters na nakasaksi sa pangyayari, sa lakas umano ng pagkakabundol ay tumilapon ang mag ina at nahulog sa 20 talampakan na bangin na naging sanhi ng kanilang pagkamatay

KAbilang din sa nasugatan sa nabanggit na aksidente ang misis ng suspek na si jackielyn at ang 2 taong gulang nilang anak na lalaki, na agad na naisugod sa Fatima Hospital ng naturang lungsod.

Lumitaw sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa sasakyan si Bayanin kung kaya at nag- overshoot ito sa kabilang linya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.