80 lechon baboy, baka pinagsaluhan sa Nueva Vizcaya

0
261

Muling ipinagdiwang sa Nueva Vizcaya  ang ika-apat na taon ng ‘Lechonan sa Bayan’ bilang bahagi ng kanilang 292 Founding Anniversary.

Ayon kay Mayor Timothy Joseph Cayton, ang isinagawang ‘Lechonan sa Bayan’ ay simbolo ng progreso ng bayan, ng pagkakaisa at pagpapakita ng pagtutulungan ng mga mamamayan at LGU officials matapos nilang malampasan ang negatibong epekto ng COVID-19 Pandemic.

“Bagama’t natigil ang taunang pagsasagawa nito dahil sa COVID-19 Pandemic, ipagpapatuloy namin itong muli bilang bahagi ng selebrasyon ng aming kapistahan,” ayon kay Cayton.

Mahigit 80 na ‘lechon’ ang pinagsaluhan ng mga mamamayan mula sa 15 barangay ng bayan, kabilang ang iba’t-ibang civic organizations na dumalo sa nasabing selebrasyon.

Dumalo din  ito ni Senator Francis Tolentino bilang panauhing pandangal kung saan tumanggap siya ng pormal na adoption rites bilang isang respetadong  ‘Dupajeno’ ng bayan.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Tolentino ang mga opisyal at mamamayan ng Dupax del Norte dahil sa kanilang pagsisikap at nagpupumilit na tumayo matapos ang hagupit ng COVID-19 Pandemic.

Ayon kay Tolentino, isa itong magandang halimbawa sa mga LGUs dahil nagpapakita ito ng determinasyon at dedikasyon na harapin at malampasan ang anumang hamon ng panahon.

Dagdag pa ng Senador na handa siyang magbigay ng tulong sa Dupax del Norte bilang katuwang, kaibigan at anak ng bayan sa Senado.

Ang adoption kay Senator Tolentino bilang isang mamamayan ng Dupax del Norte ay pinagtibay ng isang resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Dupax del Norte.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.